PANGAKO NI GORDON: Isang Kindle sa lahat ng 17-M mag-aaral
Makabagong teknolohiya ang susi para sa matagumpayna edukasyon, ayon kay Senador Richard Gordon, ang kandidato ng partidong Bagumbayan bilang Pangulong bansa.
Isang halimbawa nito ay ang Kindle, isang tablet hand held computer na halos kasing lapad lamang ng isang notebook o kuwaderno na gamit ng mga mga-aaral sa elementary.

(Pinakita ni Bagumbayan presidential standard bearer Sen. Richard Gordon ang kindle sa mamahayag. Photo by Mabuhay Newspaper)
Ngunit kahit maliit ang Kindle, may kakayahan ito na basahin at mailgay sa memory nito ang nilalaman ng libo-libong libro na magagamit ng mga mag-aaral.
Hawak ang isang Kindle, ipinakita ito ni Gordon sa mga mamamahayag at taga-suportang dumalo sa isang press conference na isinagawa sa Club Royale Resort sa Lungsod na ito noong Marso 29.
Tiniyak niya na kung siya ang mahahalal Pangulo ng bansa sa halalan sa Mayo, pagkakalooban niya ng Kidle ang bawat isa sa 17-Milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
“We must provide the best education to our students for this country to move forward and not be left behind,” ani Gordon sa mga dumalo sa press conference matapos siyang magsalita sa mga nagsipagtapos sa Bulacan State University.
Ang Kindle ay nagkakahalaga ng $100 bawat isa, at kung ito ay ibibigay sa 17-M mag-aaral sa pampublikong paaralan, aabot sa $1.7-Bilyon ang gugugulin ng pamahalaan.
Dahil dito, nilinaw ng Mabuhay kay Gordon kung saan niya kukunin ang nasabing halaga kung siya ang mahalal na Pangulo.
Ayon sa senador, maaring sumingil ng buwis ang gobyerno mula sa text messages.
“Halos 3-Bilyong text messages ang ipinadadala nating bawat araw, kapag siningil mo ng 50 sentimos ang bawat text message, we will have enough money to buy Kindle,” aniya.
Sinabi pa ni Gordon na umaasa siya na marami ang tutol sa kanyang panukala,ngunjiut ipinaliwanag niya na ang Kindle ay ipamimigay ng libre s amga estudyante.
“I know, there will be opposition to the idea, but this is doable. When we give it for free to students, I don’t think they will refuse,” aniya at iginiit na parang ibinili na rin ng mga Pilipino ang mga anak na nag-aaral ng Kindle sa pamamagitan ng pagpapahatid ng text messages.
Sinabi pa niya na bukod sa pagbili ng Kindle, matutugunan din ng masisingilbuwis mula sa text messages ang suweldo ng mga guro na ipinanukala niya na itaas sa P40,000 bawat buwan.
Kapag mataas na suweldo ng mga guro hindi na sila magtitinda ng yema samga estudyante at magkakaroon tayo ng sapat na bilang ng teacher dahil hindi na sila aalis ng bansa para magtrabho bilang domestic helpers,” ani Gordon.
“My goal is to improve education in country by giving the best education to our students,” ani ng Senador. (Dino Balabo/ Mabuhay News)

bakit ngayon lang lumabas ang IDEA na yan, for almost how many years passed, what the heck!sana noon pa!
we need real books sir not kindle. wala na ngang classrooms at aklat kindle pa pinopropose mo!