Kaunlaran pabibilisin ni ‘Flash’ Gordon
Tiniyak ni Senador Richard Gordon ng partidong Bagumbayan ang mabilis na kaunlaran ng bansa kapag siya na ang nahalal na Pangulo sa halalan sa Mayo.
Kaugnay nito, sinabi niya na nakakalungkot ang kasalukuyang kalagayan ng bansa dahil ang
demokrasyang ipinagmamalaki ng bawat Pilipino ay “maskarado” at halos lahat at nanababayaran sanhi ng korapsyon.
Sa kanyang pangangampanya sa Bulacan noong Marso 29, sinabi ni Gordon sa Mabuhay na hihilingin niya sa mga negosyante sa kalakhang Maynila na lumipat sa mga lalawigan upang mapabilis ang kaunlaran doon.
Ilan sa mga panukalangkanyang inihayag ay ang pagtatayo ng dee calibre ospital at pamantasan sa Subic Freeport, Clark Freeport, at iba pang lugar sa labas ng Maynila; ang pagtatayo ng provident fund para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Bukod dito, tiniyak na ang mas mataas na suweldo para sa mga duktor (P50,000 bawat buwan), guro (P40,000) at dentista (P30,000) na itatalaga sa mga ospital sa paaralang pampubliko, particular na sa mga lalawigan.
Ayon kay Gordon, bukod sa makakatulong ang mga nabanggit na propesyunal sa mga lalawigan, mababawasan pa bilang ng mga Pilipino na lumalabas sa bansa na nagiging sanhi ng “brain drain” phenomenon.
Sa larangan ng pulitika, tiniyak ni Gordon na isusulong ang two party system, at hihilingin sa mga Kongresista na ibigay ang kanilang mga pork barrel o pondo para sa pambansang kaunlaran.
Ayon sa senador, ang problema ng bansa at liderato at kung matino at may direksyon ang isang namumuno, hindi imposible ang mabilis na kaunlaran ng bansa.
“Our country’s problem is in leadership, and we need 20 straight years of good leadership for the country to move up,” ani Gordon at ikinumpara ang Pilipinas sa mga bansa sa timog silangang Asya.
Sinabi niya na noong dekada 50 halos manguna ang Pilipinaqs sa rehiyon ngunit noong dekada 60 ay nalampasan ng korea at Taiwan, noong dekada 70 ng Singapore, noong dekada 80 ng Thailand, noong dekada 90 ng Vietnam, at sa pagpasok ng unang 10 taon ng milenyo ay nalampasan naman ng Cambodia.
(Sen. Gordon kasama ang ilang kabataang supporter sa Bulacan. Photo by Mabuhay Newspaper)
Sinabi niya na isa mga dahilan ng pagkaiwan ng bansa sa larangan ng kaunlaran ay ang paghahalal ng mga tao sa mga maling kandidato.
“Our democracy is a masquerade,ang corruption has made everybody buyable,” ani Gordon.
Inihalimbawa niya na sa kasalukuyang kampanya, maraming kandidato ang nangangako ng pagbabago, ngunit kapag nahalal ay wala naming nababago kundi ang mukha ng kandidato.
“Lisensya lang ng driver nabibili, party posisyon sa party list,” ani Gordon.
Sinabi pa niya na parang lokohan na lang ang nangyayari sa kampanya dahil sa pagbabalatkayo ng ibang kandidato.
“Sabi nila mahirap sila at para sa sila mahirap, pero sinasabi lang nila iyon para sa makuha ang boto ng mahihirap at libangin ang mga tao para hindi mapansin na kapos ang kanilang karanasan, kakayahan at plataporma,” ani Gordon.
Sinabi ni Gordon na isa ito sa mga dahilan kung bakit siya kumandidatong Pangulong.
“Nakita ko na ang hanay mga kandidato, eh wala naman sa kanila ang may kakayahanan sa matinong liderato,” ani ng senador at ipinagmalaki ang mga nagawa niya sa Subic Bay Freeport ansd Olongapo City na itinidig niya matapos masalanta ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.
Ikinuwento rin niya ang mga programang nagpaunlas sa turismo ng bansa noong siya ang kalihim ng Department of Tourism kung kalian inilunsad niya ang programang “Wow Philippines.”
Hinggil naman sa mga botante kung halalan, pinayuhan niya ang mga ito.
“Hindi na tayo umangat, mali ang pagboto ng tao, at pumalpak ang mga partido, ang eleksyon ay puro pambobola at ang nahalal ay hindi kayang patakbuhin ang bansa,” ani Gordon.
Iginiit pa niya na “Problema sa atin hindi na tayo nag-iisip, kaya ang nangyayari sa eleksyon paramihan ng lang nga pera.”
Nagpahayag din siya ng pangamba nab aka sa mga susunod na halalan ay kumandidato ang mga mayayamang taon tulad nina Lucio Tan at gamitin ang pera advertisement para mahalal.
“Hindi ako galit sa mayayaman, pero tinitiyak ko sa inyo mas marami ang yayaman sa inyo kapag ako ang nagging pangulo,” ani Gordon.
Ipinangako rin niya ang mabilis na kaunlaran sa bansa kapag siya ang nahalal dahil sa “maghihirap ng maghihirap ang mga tao kapag hindi matino ang liderato.” Mabuhay News
Talagang kahangga- hanga si Senator Richard J. Gordon and he really SPLASH in development…katulad nalang ng ginawa nilang pag papaunlad sa SBMA. Idol ko siya sa pamumuno sa kanyang mga nasasakupan. I salute you sir Senator Gordon.