wordpress statistics

Hello COMELEC


stlogo5 May opisina ba ang Commission on Elections (COMELEC) dito sa Olongapo?

Natanong ko ito, dahil sa tanda ko na sa syudad na ito (dito ako pinanganak, nag elementarya, nag high school nag ka girlfriend at nag ka anak) ngayon ko lang nakita na hindi pa panahon ng election ay nagkalat na ang mga posters. At ngayon lang ako nakakita ng naglalakihang tarpaulins.

Kung sabagay ngayon lang kasi ito nauso, pero ang punto ko dito ay pasok ba ito sa opisyal na sukat ng COMELEC (hello sa inyo!)?

Ang pag kaka alam ko ay 2 feet by 3 feet lang ang pinaka-malaking poster size na pinapayagan ng COMELEC (hello sa inyo!).

Hindi naman kaila sa ating mga taga-Olongapo kung gaano kalalaki ang mga tarpaulin, streamers at posters ng mga tumatakbong kandidato sa ating lungsod ngayon.

(Nauna ko nang naisulat kung magkano ang ginagastos ng mga kandidato sa kanilang tarpaulins. Yoon naman ay personal kong kwenta at hindi 100% accurate pero sa tingin ko ngayon ay dumoble na ito.)
Saan ba ang ‘tanggapan’ ng COMELC (hello sa inyo!) natin sa Olongapo?

May punto ba ang rason na ganito? “Hindi pa naman election period kaya wala pang violation, kahit kasing laki ng building, pwede daw.”

Pwede na siguro itong dahilan at kung ito rin ang dahilan ng COMELEC (hello sa inyo!) ay may TAMA din naman talaga sila.

May nagsabi pa sa akin na kahit nga daw gaano kalaki iyan basta nasa loob ng pribadong lugar ay pwede at walang violation. Ang tanong ko naman “paano naman ang mga nasa harap ng mga public school, palengke, triangle at iba pang lugar?”

Pwede na siguro itong dahilan at kung ito rin ang dahilan ng COMELEC (hello sa inyo!) ay may TAMA din naman talaga sila.

May nag sabi pa na tatanggalin daw nila ang mga iyan (mga naglalakihang streamers at tarpaulin) kapag sumapit na ang tankdang petsa (March 26, 2010) kung saan opisyal nang bukas ang kampanya para sa mga local na kandidato. “Sinong nilalang sa balat ng mundo ang maniniwala dito?” Pero malay natin gawin nga nila iyan. (Palakpakan naman dyan.)

Tulungan ko na ng konti ang COMELEC (hello pos a inyo!).

Ayon sa REPUBLIC ACT NO. 9006 Sec.3.3. Cloth, paper or cardboard posters whether framed, or posted, with an area not exceeding two (2) feet by three (3) feet, except that, at the site and on the occasion of a public meeting or rally, or in announcing the holding of said meeting or rally, streamers not exceeding three (3) feet by eight (8) feet in size, shall be allowed: Provided, That said streamers may be displayed five (5) days before the date of the meeting or rally and shall be removed within twenty-four (24) hours after said meeting or rally. (source: http://www.chanrobles.com/republicactno9006.htm)

O yan ha, malinaw na yan.

Sabi pa ng kaibigan kong galing Maynila, grabe daw ang labanan dito sa ating syudad. Sa kanila daw, patago pa ang mga tarpaulins at posters ng mga kandidato dahil tinatanggal ng COMELEC sa kanila (mabuhay po kayo!).

Pwede na rin daw tawaging tarpaulin city ang olongapo city sa dami ng nakakabit na tarpaulin. Kung tutusin daw, 30 mahigit lang ang kandidato, kasama na dito yoong isang independent na mayor at ilang kagawad na hindi naka linya sa oposisyon at administrasyon.

Syempre, hindi ako payag sa ganyang tawag dahil ‘batang gapo’ ako. Pero hindi ko naman maikaila na tama naman ang napansin niya.

Natatandaan ko nung minsan may pakulo ang isang fastfood chain sa Gapo at nag lagay sila ng mga “parang tatsulok na ads” sa ibabaw ng mga jeep. Eh sinita ito sa mga kaibigan natin sa traffic management bureau, na malamang ay nautusan lang. Dahil kailangan may permit daw sa DTI at permit sa opisina ni Mayor.

Yoon po bang naka sabit sa mga jeep at tricycle ay may permit din galing sa DTI o sa Mayor’s office?

The point is……. Ano kaya ang ginagawa ng COMELEC? Hindi ba nila ito nakikita? Meron ba silang sikretong route tuwing papasok sila simula Lunes haggang Biyernes at hindi nila nakikita ang mga higanteng tarpaulins na ito? O sadyang malabo lang ang mga mata nila at akala nila eh advertisement ito ng pabango or orange juice? Nakasakay na po ba kayo sa jeep na yellow na may nakalagay streamer sa gilid at poster ng isang kandidato sa ibabaw? Hindi ninyo ba nakikita ang mga tricycles na may poster?

Kailangan nyo na po ata mag patingin ng mata, medyo malabo na talaga? Concerned lang po ako.

No Comments to “Hello COMELEC”

add a comment.

Leave a Reply